Kaniya-kaniyang hula ang fans kasunod ng patikim ng streaming giant na Netflix matapos itampok sa isang teaser video ang anim na OG members ng iconic Sexbomb Girls kabilang na sina Mia, Cheche, Rochelle, Jopay, Johlan, at Sunshine.

Muling narinig ang iconic na linya ng girl group sa walong segundo lang na teaser ng Netflix ngayong gabi ng Lunes, Peb. 20.

“Makinig kayo!” mapakikinggan sa maikling teaser ng Netflix tampok ang anim na Sexbomb Girls saliw ang iconic na “Spageti Song” ng grupo.

Landing agad sa trendlist ng Twitter Philippines ang “Daisy Siete” matapos ihirit ng maraming fans ang potensyal na comeback ng patok na palabas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang halos labintatlong taon na nang mamaalam ang sikat na drama anthology noong Hulyo 2010 matapos umere ito ng halos pitong taon mula Setyembre 2003 sa GMA-7.

Nagtapos ang programa matapos ang kabuuang 26 seasons.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa Twitter kasunod ng teaser ng Netflix:

https://twitter.com/Netflix_PH/status/1627624107994157056

https://twitter.com/ctrljoyrene/status/1627657797856026625

https://twitter.com/pathcarcer/status/1627626748249776128

https://twitter.com/hikaru_dawn/status/1627674866391580673

https://twitter.com/nikkibonuel/status/1627653882120912896

https://twitter.com/elixirofcolors/status/1627674625588224002

https://twitter.com/KBManalo/status/1627663106771140608

https://twitter.com/janiinasaur/status/1627660082690547712

https://twitter.com/justohmnanon/status/1627659103945494529

https://twitter.com/chowmowan/status/1627626544477921280

https://twitter.com/dompy_roldan/status/1627672683961004033

https://twitter.com/SirBricky/status/1627652419525173248

Samantala, wala pang kumpirmasyon hanggang bukas, Martes, Peb. 20, ang proyekto ng OG girl group!

Tiyak na aabangan ng fans ang comeback ng iconic group!