Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Chinese at kasabwat na Pinoy sa ikinasang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga nitong Linggo ng hapon na ikinasamsam ng ₱204 milyong halaga ng shabu.

Nasa kustodiya na ng PDEA sinaYi Xin Li, 48, at taga-Tondo, Maynila, at Mark June Barsaga, 23, taga-Lucena, Quezon.

Sina Li at Barsaga ay inaresto nang bentahan nila ng illegal drugs ang isang police poseur buyer sa Brgy. Pampang, Angeles City nitong Pebrero 19 ng hapon.

Nakumpiska sa dalawa ang₱204 milyong halaga ng 30 kilo ng shabu na pinaghiwa-hiwalay sa mga tea bag, tatlong cellular phone, isang Totoya Avanza, iba't ibang identification (ID) cards at marked money.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Patuloy pa ang imbestgasyon ng PDEA upang matukoy at makasuhan ang mga kasabwat nina Li at Barsaga.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang dalawang suspek.