Nag-aalburoto pa rin ang Bulkang Kanlaon kasunod ng naitalang 10 na pagyanig sa nakaraang 24 oras.

Sa pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sunud-sunod na volcanic earthquake ay naitala nitong Linggo (Pebrero 19) ng madaling araw hanggang Lunes ng madaling araw.

Gayunman, walang naitalang pagbuga ng abo o usok ang bulkan, ayon na rin sa 24-hour observation period ng ahensya.

Nananatiling namamaga ang bulkan kaya ipinaiiral pa ang alert level 1 status nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pinagbabawalan pa ring lumapit o pumasok ang publiko sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Inabisuhan din ang mga piloto na bawal magpalipad ngeroplano at iba pang sasakyang-panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa posibilidad na magkaroon ng phreatic explosions.

Noong Agosto 10, 1996, nasawi ang mountain climber na si Britist student Julian Green at dalawang Pinoy na sina Jamrain Tragico at Neil Perez matapos ma-trap malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa matinding pagsabog nito.

Kaugnay nito, isang pagyanig at dalawang rockfall events ang naitala ng ahesya sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 oras.