Kasunod ng pagbabalik kamakailan ni Jona Viray sa Kapamilya Sunday musical variety show na “ASAP Natin ‘To,” ikinatuwa ng fans nitong Linggo, Peb. 19, ang matagal nang inaabangang collaboration ng “Fearless Diva” sa kapwa Pinay biritera na si Katrina Velarde.

Natupad nga ang hiniling ng fans at nakita na muli sa wakas sa iisang entablado sina Jona at Katrina sa isang segment sa nasabing programa kasama ng kapwa OPM divas kabilang na sina Bituin Escalante, Kyla, Angeline Quinto, at Sheryn Regis.

Para sa bahagi nina Jona at Kat, kinanta ng power duo ang classic ni Basil Valdez na “Ngayon.”

Balanse, nagbibigayan, at parehong nag-shine ang dalawang powerhouse na napanatili ang tunog ng OPM classic kalakip ang kaniya-kaniyang istilo, at harmony sa ilang bahagi ng kanta.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Aprub naman agad sa fans ang pasiklaban ng dalawang diva na agad ding nag-viral sa iba’t ibang social media platform.

Sa Facebook, umabot na sa mahigit 319,000 views ang naturang collab nina Jona at Kat, isang araw lang matapos ibahagi.

Pawang papuri lang ang natanggap ng dalawa sa inabangang prod.

“Yung dalawang lodi ko ang galing!!! Solid!!👏🏻👏🏻sarap tignan magkahawak sila ng kamay,🥰🥰🥰” komento ng isang fan.

“Parehong Idol ko nakapag duet din. Grabeee blending,” segunda ng isa pa.

“’Yung parehas kayung halimaw, pero nagbibigayan kayu, at hndi nagsasapawan, sarap sa tenga, 😍😍😍” saad ng isa pa.

“Ganda ng blending nila ni Jona😭💯😍😍!”

“Sa tatlong pair, JONA & KAT yung may pinaka swabe at malinis na harmonization & blending. Paano pa kaya pag andiyan si Mori. Pitch perfect!👑👑👑

“Iba talaga quality niJona👌🏼✨!”

“Galing ni momsh katrina. V. Nakikipagsabayan talaga and effortless!”

“Jonaaaaaaaaaaa! Dapat buong episode na ng asap pag ganito! ❤️

“I love the part when Jona and Kat held hand while harmonizing beautifully! ❤️😊

Usap-usapan din ang trending na performance maging sa TikTok at Twitter.

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1627200386368155650

Sunod nang request ng fans ang dream collaboration nina Jona, Kat, kasama si “Asia’s Phoenix” Morissette Amon.

Ang tatlo ang tinaguriang “Vocal Trinity” ng Pilipinas anang maraming fans.