Isa-isang pinalasamatan ni Kapamilya singer Angeline Quinto ang mga taong nagbigay sa kaniya ng maraming oportunidad labindalawang taon matapos tanghaling “Star Power” champion.

Ito ang mababasa sa Instagram post ng Birit queen matapos balikan ang espesyal na araw.

View this post on Instagram

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Feb.20 2011 isang napakalaking pangarap ang natupad. Hindi po ako aabot ng Labing Dalawang Taon sa industriyang ito kung hindi dahil sainyo. Sa mga taong naging kasama ko simula umpisa, SALAMAT PO,” anang singer sa kaniyang IG post.

Dito sunod-sunod na niyang pinasalamatan ang mga boss sa ABS-CBN, Star Magic, Star Music, Cornerstone at ang KREATIVDEN Management.

Hindi rin nakalimutan pasalamatan ni Angeline ang kaniyang fan clubs, ang yumaong niyang Mama Bob na nakasama siya sa mga narating sa buhay at sa huli, ang Diyos na pinagpupurihan din ng singer.

Sa loob ng 12 taon sa showbiz, ilang mga kanta na ang binigyang-buhay ng singer kabilang ang mga OPM hit na “Patuloy ang Pangarap,” “Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin,” “At Ang Hirap” bukod sa iba pa.

Nakilala rin ang singer bilang aktres sa mga iconic role nito sa “Four Sisters And A Wedding” noong 2013, “Beauty in a Bottle” noong 2014, “That Thing Called Tanga Na,” bukod sa iba pa.

Happy anniversary, Angeline!