Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng tanghali, Pebrero 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 12:47 ng tanghali.
Namataan ang epicenter ng lindol 8 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Tandag City, Surigao del Sur, na may lalim na 22 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III ang Tandag City, Surigao del Sur, habang Intensity II naman sa Cagwait, Surigao del Sur.
Samantala, naitala ang Instrumental Intensity I sa Cabadbaran City, Agusan del Norte; Surigao City, Surigao del Norte; at Tandag, Surigao del Sur.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks nito.
Wala rin umanong inaasahang magiging pinsala ang nasabing pagyanig.