Inanunsyo ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo na natagpuan nila ang posibleng lugar na pinagbagsakan ng nawalang Cessna plane nitong Sabado, Pebrero 18.

"The possible crash site of missing Cessna 340A aircraft has been found and was seen through a digital single-lens reflex (DSLR) camera from a foreign search and rescue volunteer," pahayag ni Baldo.

"The camera revealed debris hanging from a tree, along with some broken branches - Responders are heading toward the alleged crash site," dagdag niya.

Mahigit 256 personnel, 34 sasakyan, 12 drones at apat na k9 dogs umano ang dineploy para sa pagsasagawa ng search and rescue operation sa nawawalang Cessna plane.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa tala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang nawalang Cessna 340 na may tail number RP-C2080 aircraft ay umalis sa Bicol International Airport dakong 6:43 ng umaga at huling nakontak bandang 6:46 ng umaga sa Camalig, Albay.

Lulan ng nasabing eroplano ang pilotong si Capt. Rufino James T. Crisostomo Jr., crew na si Joel G. Martin, at dalawang Australian na pasahero na sina Simon Chipperfield at Karthi Santanan.

Basahin: Isang Cessna plane galing Bicol, nawawala – CAAP