“He was smiling like a proud father.”

Viral ngayon sa social media ang post ng Gutalac NHS Supreme Student Government (SSG) tampok ang larawan ng kanilang school guard na naghatid sa bride papuntang altar sa kanilang wedding booth.

Sa panayam ng Balita kay Alver John, SSG president ng naturang high school, nakuha raw niya ang larawan noong Pebrero 15, ang pangalawang araw ng kanilang pagdiriwang ng St. Valentine's Day.

Nang mga oras daw na iyon, kumukuha ng larawan si Alver sa photo booth ng kanilang eskwelahan nang marinig niya ang mga nagchi-cheer na estudyante sa wedding booth.

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully sa anak sa simbahan

Agad daw siyang nagpunta doon para kumuha rin ng larawan nang mapansin niya sa likod ng crowd si Kuya Jayson, ang kanilang school guard.

“He was smiling like a proud father,” ani Alver. “So I invited him to stand beside the bride for a photo, as if he were posing as her father.”

“Everyone cheered for the both of them, so I told Kuya Jayson to walk her towards the altar, which he did without any reluctance,” dagdag niya.

Kita naman daw ni Alver sa mukha ng bride ang mga ngiti at halakhak nito. Bakas sa kaniya at iba pang mga estudyante ang pagiging komportable nila sa presensya ni Kuya Jayson. Ito ay dahil daw sa kabutihang pinamamalas nito.

“Kuya Jayson is really an incredible person. He knows how to vibe with the students and is super down-to-earth,” saad ni Alver.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!