Patay ang isang lider ng militanteng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na pangunahing suspek sa pananambang at pagpatay kay Ampatuan Police chief, Lt. Reynaldo Samson at sa isa pang pulis noong 2022, matapos umanong lumaban habang inaaresto ng mga awtoridad sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Sabado, Pebrero 18.

Dead on the spot siKarim Hashim, alyas commander ‘Boy Jacket’ ng BIFF, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO)-12 director Brig. Gen. Jimili Macaraeg, napatay si Hashim nang paputukan umano nito ang mga pulis at sundalo na aaresto sana sa kanya sa hideout nito sa Barangay New Isabela, Tacurong City.

Si Hashim ay principal suspect sa pagpatay kay Samson at sa driver nito na si Corporal SalipudenEndad.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sina Samson at Endad at iba pang pulis ay patungo na sana sa Brgy. Kapinpilan sa Ampatuan lulan ng police car, upang arestuhin ang mga suspek sa kasong robbery nang pagbabarilin ng grupo ni Hashim noong Agosto 30, 2022.

Joseph Jubelag