May cryptic Instagram post sa "My Story" ang Kapuso actress na si Kylie Padilla tungkol sa maling mga taong binibigyan ng empathy, o isang abilidad na maunawaan at makiramdam sa nararamdamang sitwasyon o damdamin ng ibang tao.

"Too much empathy for the wrong people," saad ni Kylie sa kaniyang IG story.

Screengrab mula sa IG story ni Kylie Padilla

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Ayon naman sa reaksiyon at komento ng mga netizen sa comment section ng Fashion Pulis, mukhang gimik lamang ito o promo para pag-usapan dahil nalalapit na ang airing ng "Mga Lihim ni Urduja" na papalit sa time slot ng "Maria Clara at Ibarra" sa GMA Telebabad.

"Umpisa na ng promo ng princess urduja. Char."

"To no one. nasubaybayan ko yan si kylie since tumblr days up to now, mahilig lang talaga siya mag repost ng quotes or gumawa ng tula."

"No need for this cryptic IG story to promote your teleserye Kylie Padilla."

"Mahilig itong magpapansin via cryptic at intelligent kunong posts."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kylie tungkol dito.