Bumalik na naman sa dating porma ang Ginebra San Miguel matapos patumbahin ang Blackwater, 119-93, sa PBA Governors' Cup sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Linggo ng gabi.

Bumandera si Christian Standhardinger sa Gin Kings sa kanyang 27 points, tampok ang 11 sa first quarter. Naitala rin nito ang anim na rebound at limang assists.

Bukod kay Standhardinger, kumayod din sina Justin Brownlee at Jamie Malonzo upang makuha ang bentaheng 37-20 sa kaagahan ng laro.

Humablot din si Malonzo ng 25 points, pitong rebounds at tatlong assists habang si Brownlee ay naka-22 points, 10 rebounds, limang assists, dalawang steals at dalawang blocks.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Naging matamlay naman kampanya ni Blackwater import Shawn Glover dahil 14 points lamang ang nakuha nito.

Dahil dito, nalasap na ng Bossing ang anim na magkakasunod na pagkatalo.