Trending sa social media ang YouTube vlog ng Unkabogable Star Vice Ganda matapos nitong ma-prank si 'Gigil kid' na inakala nitong ipapakila sa kaniya ang kaniyang bagong ka-love team ngunit ito pala'y si Vice Ganda para sa kanilang reunion vlog.

https://youtu.be/mQdEzeYI9xE

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Si Carlo ay nakilala bilang 'Gigil Kid' matapos mag-viral noon dahil tila lagi itong naggigigil sa kaniyang mga video. Dahil dito naaliw ang Kapamilya comedian na si Vice Ganda at itinuring siyang anak dahil sa tunay na pagmamahal ng bata sa mga taong nakapaligid sa kaniya, lalo na sa kaniyang pamilya.

Mapapanood sa video ang nakakabagbag-damdaming reunion ni Vice at Carlo at mapapansin ang pagbabago ng child star dahil hindi na 'pasigaw' kung magsalita, magalang, tumalino at tumangkad na rin ani ng komedyante.

Ibinahagi ni Carlo ang ilang mga nangyari tungkol sa kaniyang buhay nitong halos tatlong taon nilang hindi pagkikita. Mayroon din hinandang scrapbook si Vice kung saan naglalaman ito ng ilan sa kanilang mga larawan at mga kuwento sa likod nito.

Lubos na nagpasalamat ang dalawa sa isa't isa at nagbigayan ng matatamis na sa salita lalo na si Carlo. Aniya, "Meme gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita dahil tinulungan niyo ako noong bata pa ako kasi tinuturing niyo po ako na parang isang anak."

"Hindi ko kayo itinuring na 'anak' dahil kini-claim ko na anak ko talaga kayo, kaya pag may nagtatanong, ah si Carlo, anak ko yan," sagot ng komedyante.

Nagpasalamat din si Vice dahil aniya, "Siya talaga ang discoverer ni Ion. Ikaw ang nakakita kay Ion. ‘Yung happy part ng life ko na ‘yun, malaking part ka noon. Kaya magkakonektadong konektado tayo kahit anong mangyari, kahit saan tayo magpunta, connected tayo sa isa’t isa."

Matatandaang si Carlo ay guest sa GGV nang makita niya si Ion Perez mula sa audience, na ngayon ay asawa ng komedyante.

Pagkatapos magbalik-tanaw sa kanilang mga pagsasama noon ay pinag-shopping ni Vice si Carlo ng mga damit at sapatos. Makikitang labis-labis ang tuwa ni Carlo dahil sa mga ginawa ng komedyante.