Anim ang naiulat na napatay, kabilang si Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda, matapos pagbabarilin ng mga naka-police uniform sa Bagabag, Nueva Vizcaya nitong Linggo ng umaga.

Sa paunang report ng Bagabag Police Station, patungo na sana sa Vice Mayors' League of the Philippines National Convention sa Pasay City ang grupo ni Alameda sakay ng Hyundai Starex van (KOV 881) at tinatahak ang Sitio Kinacao, Baretbet nang mangyari ang pananambang dakong 8:45 ng umaga.

Sinabi ni Lt. Col.Saturnino Soriano, Regional Information Officer ng Police Regional Office 2 (PRO2),hinarang ng mga suspek ang kalsada, gamit ang school barricade ng MV Duque Elementary School.

Pagdating ng sasakyan ng grupo ni Alameda sa lugar, binaril na kaagad ang mga ito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tumakas ang mga suspek sakay umano ng governmentvehicle na Mitsubuishi Adventure (SFN 713).

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang mga suspek na tumakas patungong Solano, Nueva Vizcaya.