Marami ang tila napa-sana all sa aktres na si Ana Jalandoni matapos niyang ibida ang pagyakap sa kaniya ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz, na ibinida niya sa kaniyang Instagram account.

Pag-amin ni Ana, si JLC ay matagal na niyang crush, at hindi siya makapaniwalang nakayakap ito sa kaniya ng mga sandaling iyon.

"Crush ko noon kayakap ko na ngayon charroottt!!! 🤣 Thank you lods," saad ni Ana sa kaniyang IG post kalakip ang mga litrato nila ni Lloydie.

Sexy starlet Ana Jalandoni, binugbog, ikinulong umano ng jowang si Kit Thompson

Mukhang nag-taping si Ana bilang guest sa "HappyToGetHer" na pinagbibidahang sitcom ng aktor sa GMA Network.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Wow bagay! Talbog si Ellen haha."

"Ay bakit parang kakaiba ang titig sa iyo ni Lloydie! Kabanas!"

"Lodi talaga si Popoy haha."

Si Ana ang aktres na "binugbog-sarado" ng kaniyang boyfriend na si Kit Thompson na lumikha ng ingay noong Marso 2022.