NASUGBU, Batangas -- Isang babae at isang lalaki na parehong sinunog ang natagpuan sa gilid ng kalye sa Sitio Angara, Barangay Natipuan nitong Sabado ng gabi sa bayang ito.

Ang dalawang biktima ay kapwa hindi pa nakikila ay nakita ni Librado Buhay, isang security guard ng ito napadaan sa nasabing lugar at papasok na sa kaniyang trabaho dakong alas-8:35 ng gabi.

Ang mga biktima ay sunog ang ilang parte ng kanilang katawan at itinapon sa gilid ng bagong sementadong kalye sa nasabing lugar ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Base sa inisyal na pagsisiyasat na posibleng gustong itago ng mga suspek ang pagkakakilanlan ng mga biktima at pinaniniwalaang mga biktima ng summary execution.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Patuloy pa sa pagsisiyasat ang Nasugbu Police at inaalam ang paagkakakilanlan sa kanila.

Isinasailim din sa otopsiya ang mga labi ng mga biktima ng Scene of the Crime Operatives.