Kinondena ni Vice President Sara Duterte nitong Sabado, Pebrero 18, ang tangkang pagpatay kay Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto-Adiong Jr. at nanawagan ng agarang hustisya sa insidente.

“I condemn the ambush that apparently targeted Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong in the town of Maguing Friday,” ani Duterte sa isang pahayag.

"As a nation, we should collectively reject this cowardly act of violence and demand that the perpetrators are immediately brought to justice,” dagdag nito.

Inambush nitong Biyernes, Pebrero 17, ng mga hindi pa nakikilalang indibidwal ang convoy ni Adiong sa munisipalidad ng Maguing dakong 4:00 ng hapon. 

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ligtas at stable naman daw ang kalagayan ng gobernador ngunit apat sa kaniyang kasama ang nasawi. Isa rin sa kaniyang mga kasama ang nasugatan dahil sa nangyari.

Basahin: Lanao del Sur governor, sugatan sa ambush–4 security aide, patay

“I commiserate with the bereaved families of the four security escorts of Gov. Adiong who died in the ambush,” ani Duterte. “I pray for the speedy recovery of Gov. Adiong and the other injured person.”

Binanggit din ni Duterte sa kaniyang pahayag na si Adiong ang bise presidente ng partidong political na Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), kung saan siya ang tumatayong chairperson.