Kinaaliwan ng netizens ang reenactment ng bardagulan nila Vice Ganda at anak-anakan nitong si Awra Briguela mula sa pelikulang “Super Parental Guardians.”

Sa isang TikTok video na in-upload ni Awra, makikita ang dalawa na isinabuhay muli ang kanilang viral na eksena mula sa nasabing pelikula, kung saan nagpapasarapan sila ng nilutong spaghetti para i-alok na meryenda sa mga nagta-trabahong construction workers sa mansyon kung saan nakatira ang kanilang mga karakter.

“Oh! Ayan na spaghetti nyo,” sey ni Awra sa kaniyang caption.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Ang nasabing video ay kuha mula sa party matapos ang contract signing ni Vice Ganda sa ABS-CBN, kung saan dumalo ang mga kaibigan nito sa showbiz, maging ang ibang influencers na may kaniya-kaniya ring TikTok videos kasama ang Unkabogable Phenomenal Superstar.

Matatandaan na ang “Super Parental Guardians” ay pelikulang mula sa Star Cinema na inilabas taong 2016, kung saan bumida sina Vice Ganda at Coco Martin na siyang kumita sa takilya ng halos 600 million pesos at pasok sa listahan ng highest grossing films of all time sa Pilipinas.

Ang nasabing TikTok video naman ay mayroon ng higit sa sampung milyong views at patuloy na kumakalat sa social media.