Nasamsam ng CIDG Nueva Ecija ang mga ipinuslit na sigarilyo na may halaga na hindi bababa sa P360,000 noong Pebrero 16 sa Brgy. Malasin, Sto. Domingo, Nueva Ecija. 

Kinilala naman ni CIDG Director PBGen. Romeo Caramat, Jr. ang dalawang suspek na sina Francis Morillo Acosta and Christian Abet Vengco na pawang taga-Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Nahuli ang mga akusado sa isinagawang buy-bust operation ng isinagawa ng CIDG Nueva Ecija PFU at iba pang PNP units habang nasamsam naman sa kanila ang mga sumusunod:

Marked at boodle money, 50 reams ng Marlboro Red, 450 reams ng HP Red, 95 reams ng Modern Red, 100 reams ng Two Moon Blue, 125 reams ng Journey Red, 150 reams ng Farstar Gold, 100 reams ng Carnival Red, 150 reams ng Two Moon Green, 150 reams ng Modern White, at 50 reams ng Royal Red.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sasampahan ng kasong paglabag sa Art 189 of RPC (Unfair Competition) at of RA 8293 o "Intellectual Property Rights" ang mga suspek.

“Ang inyong CIDG ay walang humpay sa pagpapatupad ng aming mga kampanya laban sa kriminalidad upang tuluyang wakasan ang mga ilegal na aktibidad at papanagutin ang mga kriminal," saad ni Caramat, Jr.