Pinasalamatan ng showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ang buong Gonzaga family, partikular ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, lalong-lalo na ang huli.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Lolit kung gaano kabuti ang puso ng magkapatid na Toni at Alex, lalo na ang huli, matapos nitong makipag-ugnayan sa kaniya upang makatulong sa medical expenses niya sa kidney dialysis.

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Lolit Solis, binanatan ni Mikee Morada dahil sa 'chismis' nito na 'nakunan' ang asawang si Alex Gonzaga

"Kasi nga sa totoo lang noon ko pa talaga type si Toni Gonzaga. Kasi kahit saan kami magkita very sweet at very polite siya, walang pa star na aura. Si Alex Gonzaga natuwa ako ng i-correct niya ang isang item ko, maganda ang ginawa niyang pakikipag-usap sa akin sa telepono," kuwento ni Lolit.

"Pero ang pinaka-type ko sa mga Gonzaga si Mommy Pinty na kahit saan, kahit kelan, mabait sa akin pag nakikita ko. Wala akong naging problema sa mga Gonzaga, in fact type ko hosting ni Toni, gusto ko humor ni Alex, kaya no problem. Kahit nga noon na ikinorek ni Alex Gonzaga iyong isa kong sinulat, wala lang, hindi ko pinalaki. Walang intriga."

"Kaya naman natuwa ako nang sinabi ni Gorgy na nag-reach out si Alex Gonzaga para tumulong sa medical expenses ko. Napapraning na talaga ako sa dami ng mga gustong tumulong sa akin, masyado na akong nahumbled sa pagmamahal ninyo. Para bang kahit gaano pa maging kalaki ng magiging gastos ko marami pa rin ang maasahan ko."

"Iyon lang kahit hindi kami close ni Alex Gonzaga pero nagbibigay ng financial assistance pati na si Mommy Pinty, parang shocking na para sa akin. Grateful forever Gonzaga family, thanks for the love. Salamat," ani Lolit.

Matatandaang nagkaroon ng isyu noon sa pagitan nina Lolit at Alex nang maibalita nang una ang tungkol sa umano'y pagkakalaglag ng pinagbubuntis ng actress-vlogger. Sumali na rin dito ang mister ni Alex na si Mikee Morada.

Nangako pa noon ang kolumnista na hinding-hindi na niya isusulat o babanggitin man lamang ang pangalan ni Alex kahit na magka-isyu pa ito.