Hindi na napigilan ni Lipa City councilor Mikee Morada na magsalita tungkol sa isyung "nakunan" ang kanyang asawa na si Alex Gonzaga.
Sa Instagram post ng beterenong showbiz scribe at talent manager na si Lolit Solis, ibinahagi niya ang bali-balitang nakunan si Alex.

“Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang tutoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin,” ani Solis.“Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita. Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa.”
“Hindi naman siguro tutoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex st Toni na lumabas ang balita dahil gusto nga daw nila na maging exclusive sa vlog nila. Very petty ‘di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago? Eh married naman si Alex, at paano itatago iyon medical record? Basta for us, get well soon Alex, at be strong. Magkakaruon ka pa uli ng baby, we pray for that. Amen.” dagdag pa niya.
Dahil dito, sinabi ni Mikee na "masakit" at "nakakadismaya" ang sinulat ni Solis.

"Hindi langpatungkolkay Alex anginyongsinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa. Kaya hinihingi ko anginyongpag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo't hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat." komento ni Mikee sa post ni Solis.
Matatandaan na ngayong taon rin na naging usap-usapan na buntis umano si Alex.
Stephanie Bernardino