Iimbestigahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga may-ari at drayber ng L-300 van at motorsiklo na nag-viral dahil sa road rage incident sa gitna ng trapiko sa Felix Avenue, Cainta, Rizal kamakailan.

Sinabi ng LTO, naglabas na ng subpoena ang Intelligence and Investigation Division (IID) upang paharapin sa kanilang national office ang mga sangkot sa insidente, sa Pebrero 22, dakong 2:00 ng hapon.

Nilinaw ni LTO-IID officer-in-charge Renan Melitante, aalamin nila anng ugat ng alitan ng mga ito.

Tiniyak din ng opisyal na mapanagot ang mgaito sakaling lumabag sa batas-trapiko.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nagbabala rin si Melitante, ang hindi pagsipot sa imbestigasyon ay nangangahulugan ng pagsuko ng karapatan ng mga ito na marinig ang kanilang panig, bukod pa ang posibleng ipapataw na parusa sa ilalim ng batas.

Kaugnay nito, binigyang-diin naman ni LTO chief Assistant Secretary Jayart Tugade ang kahalagahan ng disiplina sa kalsada upang maiwasan ang road rage o iba pang insidente.