May bagong paandar ang drag queen na si Viñas DeLuxe matapos ilabas ang music video ng kanyang unang single na “I’m Feeling Sexy Tonight,” Biyernes ng gabi, Pebrero 17.

Tampok sa nasabing music video ang kapwa niya drag queens na sina Minty Fresh, Tiny Deluxe, Lady Morgana, Shewarma, Aries Night, Lady Gagita, Odasha, Viper & Sophie, at si Turing Quinto na siya ring tumayong choreographer para sa pasabog na ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaliwa’t kanan naman ang mga papuri at pagbati para sa drag queen. Narito ang ilan sa mga nakalap ng Balita:

“Sobrang proud akong sabihin na ang ganda talaga - not because fan ako ni Misis. Legit na ang ganda ng song”

“So sweet of misis (Viñas Deluxe) to have her other supportive drag sisters appear on her first MV”

“Congratulations Misis @vinasdeluxe6044, more winnings to come. Sana makita ka namin magcompete internationally maybe sa Global All Stars or Vs the World.”

Matatandaang naging bahagi si Viñas ng unang season ng “Drag Race Philippines” at kamakailan ay nagdaos ng concert kasama ang kapwa niya miyembro ng “Divine Divas” na sina Brigiding at Precious Paula Nicole, na siyang itinanghal na kauna-unahang “Pinoy Drag Superstar.”

Sa ngayon ay mayroon ng higit sa sampung libong views ang bagong music video ni Viñas, at mapapakinggan naman sa iba’t ibang streaming platforms ang kaniyang single na hatid ng ABS-CBN Star Music at Tarsier Records.