Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na ipatupad ang pagsuspindi sa Permit To Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa dalawang lalawigan sa Mindanao kasunod na rin ng pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto-Adiong, Jr. sa Maguing, Lanao del Sur nitong Biyernes ng hapon.

Kabilang sa apektado ng gun ban ang Maguindanao, Lanao del Sur at 63 barangay ng North Cotabato na saklaw ng BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao).

Ito ay upang maiwasang lumalala pa ang krimen sa lalawigan kasunod ng pag-ambush sa convoy ni Adiong na ikinasawi ng apat na security aide nito.

Kabilang aniya sa sinisilip nila sa motibo ng pananambang ay "rido" o alitan ng angkan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaugnay nito, kinondena naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang insidente.

“Agad akong nagbigay ng direktiba sa PNP na magsagawa ng manhunt operations upang agad na mahuli ang mga suspek sa insidenteng ito,” sabi pa ni Abalos