Apat na miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa magkakahiwalay na lugar sa Zamboanga Peninsula kamakailan.

Sa pahayag ni Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, kabilang sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan sinaPonciano Humpa Jr.; Jose Solindom; Boy Indus; at PaulinoHernando.

Si Humpa na dating spy ng NPA, ay sumuko sa pulisya saPurok Meliton, Barangay Poblacion, San Miguel, Zamboanga del Sur nitong Biyernes ng hapon at nagsuko rin ng isang shotgun.

Sumurender naman sina Solindom at Indus sa pulisya at militar sa Purok 1, Brgy. Dapiwak, Dumingag, Zamboanga del Sur nito ring Biyernes ng hapon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dalawang Cal. 38 revolver ang isinuko nina Solindom ayt Indus, kapwa naging kasapi ngGuerrilla Front Big Beautiful Country-Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC) ng NPA.

Nagbalik-loob naman sa gobyerno si Hernando nang sumuko sa mga pulis sa Purok 5, Barangay Tipan, Naga, Zamboanga Sibugay nitong Pebrero 17.

Philippine News Agency