Ito ang paglilinaw ni Kapuso star Bianca Umali sa isang panayam matapos ibahagi noong nakaraang taon ng boyfriend na si Ruru Madrid ang naging pasya niyang umanib na rin sa Iglesia ni Cristo (INC).

“First of all, yes, isa na po akong ganap na Iglesia ni Cristo,” pagkumpirma ng aktres.

“But I don't think I would have it fall under the category of things you do for love or these things that I do for love,” gayunpaman saad ni Bianca sa podcast ni Kapuso showbiz reporter Nelson Canlas.

Basahin: Bianca Umali, umanib sa ‘Iglesia ni Cristo’ kasunod ng relasyon nila ni Ruru Madrid – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang ito rin ang naging saad noon ng boyfriend na si Ruru.

“Before ka maging INC, eight months. Kailangan mo aralin ‘yung 25 lessons, and then after that kailangan mo pa ‘yung tinatawag naming ‘sinusubok.’ Dun kailangan hindi ka makapag-miss ng kahit isang pagsamba. Kailangan mo makapunta dun sa mga tinawang naming mga pulong, na lahat yun dapat makumpleto mo,” pagbabahagi ni Ruru sa Toni Talks noong 2022 kaugnay ng naging proseso ng pagpapa-convert ni Bianca.

“For her [Bianca] po kasi, inaral niya po muna and same with me. Kaya somehow ‘di ko masasabi na it’s because of me kaya niya ginawa ‘yun,” dagdag ng aktor.

Paglalarawan ni Bianca, “very personal” na pasya ang naging pagpapa-convert niya.

“I knew that God has always been in my life. He has always guided me. He has always been with me—holding my hand. Hindi niya ako pinabayaan, even though I wasn't this close to Him and alam kong marami rin akong pagkakamali noon sa Kaniya,” saad ni Bianca sa naramdamang presensya ng Diyos nang tumuntong siya sa edad 20-anyos.

“And when I discovered my faith, which is where Ruru comes in… hindi dahil sa kaniya kaya ako nag-convert pero naging instrumento siya para maipakilala sa akin yung religion at maipakita sa akin yung daan kung saan tinawag ako para mapalapit ako sa Diyos,”dagdag niya.

Matatandaang noong nakaraang taon lang, sa unang pagkakataon ay inamin ni Ruru na mahigit apat na taon na silang magkarelasyon ni Bianca.

Samantala, nakatakdang bumida sa proyektong “The Write One” ang Kapuso reel couple ngayong 2023.