Sinira ng mga pulis ang₱5 milyong halaga ng tanim na marijuana sa isang liblib na lugar sa Maguing, Lanao del Sur nitong Biyernes, Pebrero 17.

Sa pahayag ni Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, nadiskubre ng mga tauhan nito ang plantasyon ng marijuana sa Barangay Bato-Bato kung saan binunot ang 25,000 na tanim nito.

Nauna rito, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen kaugnay sa malawak na marijuana plantation sa lugar.

Walang naaresto ang pulisya sa nasabing pagsalakay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaugnay nito, naiulat din ng pulisya ang pagkakaaresto ng dalawang pinaghihinalaang big-time drug pusher sa inilatag na checkpoint sa nasabi ring lugar kamakailan.

Nasa 125 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng₱850,000 ang nasamsam sa operasyon.

Philippine News Agency