Kumpirmado na ang kasalang Maja Salvador at Rambo Nuñez sa darating na Hulyo ngayong taon, ayon umano sa kampo ng tv host-actress.

Dahil sa mga naglabasang tsismis tungkol sa di umano’y pagpapakasal ni Maja noong nakalipas na Valentine’s Day, mismong ang King of Talk na si Boy Abunda ang gumawa ng paraan para alamin ang katotohanan ukol dito.

Sa programa ni Tito Boy na “Fast Talk with Boy Abunda,” nitong Huwebes, sinabi nito na nakipag-ugnayan siya sa handler ni Maja, na siyang nagbigay ng detalye sa kasalang magaganap.

“Maja at Rambo have always been generous to the public about many things in their life but of course, they keep certain things private and again, we respect that,” lahad ni Tito Boy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Pero sinabi sa’min na ang kasal ni Maja at Rambo ay magaganap July of 2023,” dagdag pa niya.

Sa huli, inanyayahan ni Tito Boy si Maja para mas mapag-usapan ang nalalapit na kasal.

“Maj, if you’re watching, I have your new number. I was trying to call you earlier. Usap tayo,” aniya.

Matatandaang una nang inanunsyo nila Maja at Rambo ang kanilang engagement Abril noong nakaraang taon.