Umapela na si Chinese Ambassador Huang Xilian na dapat nang itigil ng China at Pilipinas ang anumang aksyong nagpapalala ng sitwasyon sa pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS).

"I think that first of all both sides should exercise restraint and refrain from taking any unilateral and provocative action. At the end of the day, that water is a disputed area," reaksyon ni Xilian kaugnay sa insidente ng panunutok ng laser ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barko ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa lamang ng resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6.

Sa kabila naman napaulat na pansamantalang pagkabulag ng mga tauhan PCG na sakay ng BRP Malapascua matapos tutukan ng laser, nanindigan pa rin si Xilian na hindi nakapipinsalaang nasabing aparato.

Nagpatawag ng pulong balitaan si Xilian bilang tugon sa alegasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sinisira ng China ang kapayapaan at seguridad sa WPS kasunod na rin ng insidente.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Aniya, pinoprotektahan lamang ng China ang soberanya nito sa karagatan sa palibot ng Ayungin Shoal kung saan dumaan ang BRP Malapascua upang magsagawa ng resupply mission sa mga tropa ng Pilipinas sa lugar.

Matatandaang ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos,p Jr. si Xilian kamakailan matapos maalarma sa insidente.