Pinalakas pa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbabantay sa pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS) halos dalawang linggo ang nakararaan nang mangyari ang insidente ng panunutok ng laser ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Binanggit ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu sa isang television interview, ang kanilang hakbang ay batay na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kamakailan.

Aniya, ipinadala na nila sa Kalayaan Island Group (KIG) ang BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Teresa Magbanua na isa sa pinakamalaking maritime asset ng PCG nitong Pebrero 2.

Inabisuhan na rin aniya ng mga tauhan nitong sakay ng nasabing BRP Magbanua ang mga Pinoy na mangingisda na humingi kaagad ng tulong sa PCG o sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines na nakapuwesto sa lugar sakaling mangangailangan sila ng tulong.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Matatandaang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng CCG at PCG nang tutukan ng laser ng una ang BRP Malapascua habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6.