Nitong Araw ng mga Puso kamakailan, espesyal na pagkilala ang natanggap ng Pinay diva na si Katrina Velarde mula mismo kay American hitmaker at Grammy nominated singer na si Jim Brickman.

Ito’y matapos mapansin ni Brickman ang husay ng singer sa kaniyang naging cover ng kaniyang 1997 hit na “Valentine.”

“It's always so wonderful seeing all the incredible covers of my song, 'Valentine'! What better day to share some of our favorites with you than on this special Valentine's Day...❤🥰” mababasa sa caption ng American singer sa kaniyang verified Facebook post kamakailan kalakip ang link ng YouTube cover ni Velarde.

Ang naturang rendition ng Pinay diva ay naibahagi pa noong Oktubre 2021 at matapos nga ang mahigit isang taon ay nakarating na ito sa American singer.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Basahin: Netizen, kinuwestyon ang titulo ni ‘Asia’s Vocal Supreme’ Katrina Velarde: ‘Paano siya naging Asia’s?’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kilig at sorpresa naman ang hatid kay Velarde matapos mapansin ni Brickman.

“OWEMGIIIII!!!!!” saad na lang ng singer nang ibahagi ang naturang Facebook post ng American singer.

Si Brickman ay kilala sa mga hit songs na “The Gift,” “Destiny,” bukod sa maraming iba pa.