Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ₱3 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa Davao City nitong Pebrero 14.

Sa report, nasa 103 kahon ng iligal na sigarilyo ang nasamsam sa naharang na truck sa isang checkpoint sa Sirawan, Toril, Davao City nitong Martes.

Wala umanong maipakitang papeles ang driver ng truck kaya kaagad na sinamsam ang kargamento.

Bukod sa kargamento, kinumpiska rin ang truck na pinagsakyan ng iligal na sigarilyo.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hindi na binanggit ng mga awtoridad kung ilan ang inaresto sa anti-smuggling operation.

Iniimbestigahan pa ang kaso upang mapanagot ang mga kasabwat ng sindikato.