Sa walong buwan na panunungkulan ni Mayor Honey Lacuna, pumangalawa ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa 2022 rankings ng Highly Urbanized Cities (HUCs) sa Pilipinas.

Ito ay base na rin sa Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI), na ginawa Department of Trade at Industry (DTI) at National Competitiveness Council (NCC), katuwang angUnited States Agency for International Development.

Ang CMCI ay taunang pagraranggo sa mga lungsod at munisipalidad sa bansa na nagpapakita ngeconomic development and competitiveness indicators sa local government levels.

Nabatid na tulad ng lahat ng ibang indices, ang competitiveness index ranking ay may total value na 100 na kumakatawan sa fully competitive local unit.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Ang index ay binubuo ng limang core components tulad ng: Economic Dynamism,20%; Governance Efficiency,20%; Infrastructure, 20%; Resiliency, 20% at Innovation, 20%.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Lacuna ang lahat ng nasa likod ng paggagawad ng pagkilala sa lungsod, partikular ang DTI.

Ayon kay Lacuna, ang naturang pagkilala ay magsisilbing inspirasyon sa kanya at sa lahat ng kapwa niya manggagawa sa city government ng Maynila upang maipagpatuloy ang paghahatid ng pinakamahusay na serbisyo para sa lahat ng residente ng lungsod.

Ibinahagi rin naman ni Lacuna ang kredito sa lahat ng city officials at kawani ng City Hall, gayundin sa lahat ng miyembroManila City Council, na patuloy na nagbibigay sa kanya ng suporta at tulong upang ang lahat ng kanyang mga pananaw at plano para sa lungsod at mga residente, ay magtagumpay.

Labis ding pinasasalamatan at pinapahalagahan ni Lacuna ang nasabing pagkilala mula sa DTI dahil ito aniya ay nagsisilbing balidasyon ng mga pagsisikap at dedikasyon ng mga kawani at opisyal ng lungsod sa kanilang pagganap sa kanilang tungkulin araw-araw.

Dahil dito, nanawagan din si Lacuna sa lahat ng mga opisyal at kawani na lungsod na gawing dahilan ang naturang karangalan upang higit pang magsikap na mabigyan ng mataas na kalidad na serbisyo ang mamamayan ng Maynila.

Nabatid na ang Manila LGU ay pumangalawa sa CMCI na may score na 57.4961, habang ang Quezon City naman siyang nanguna sa puntos na 58.4528.

Ang iba pang lungsod na pasok satop ten na may kabuuang 33 na entries ay ang Pasay, Davao, Muntinlupa, Makati, Iloilo, Cagayan de Oro, Bacolod at Valenzuela.