Pinaigting pa ng Department of Agriculture (DA) ang kampanya ng kampanya nito laban sa pagkalat ng bird flu oHighly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) virus sa bansa.

Ayon kay DA-Bureau of Animal Industry (BAI) Assistant Director Arlene Asteria Vytiaco, dinoble pa nila ang trabaho upang makontrol at maiwasang tumaas pa ang kaso ng bird flu sa Pilipinas.

Aniya, nagsagawa na sila ng depopulation at intensive surveillance sa 1-kilometer quarantine zone, bukod pa ang paglilinis at pagdi-disinfect sa mga poultry farm sa Sta. Maria, Bulacan matapos makumpirma ang kaso ng bird flu nitong Enero 31.

“Ini-intensify natin ang ating control measures para huwag nang maranasan ’yung last year na talagang tumaas ang kaso natin ng February until March to April,” ani Vytiaco.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Palalawakin din aniya ng ahensya sa 7-kilometer radius surveillance mula sa farm na tinamaan ng virus upang tuluyang mapatay ang virus.

Idinagdag pa ng DA, naglaan na sila ng ₱177.78 milyon para labanan ang bird flu sa bansa.