Ayan ang malinaw na pahayag ng Unkabogable Superstar na si Vice Ganda matapos nito pumirma ng ekslusibong kontrada sa ABS-CBN at mananatiling Kapamilya, Miyerkules ng gabi, Pebrero 15.

Ang naturang contract signing ay tinawag na “The Unkabogable Day” kung saan present ang big bosses ng ABS-CBN na sina Chairman Mark Lopez, COO for Broadcast Cory Vidanes, Star Magic head Lauren Dyogi at iba pang executives ng Kapamilya network.

Pasabog ang opening number ng event nang kantahin ng grand champions ng “Tawag ng Tanghalan” na sina Reiven Umali, JM Yosures, at Janine Berdin ang awitin mismo ni Vice Ganda na "Look at Me Now."

Sa isang panayam, sinabi ni Vice na nais niya lang mag-celebrate sa nasabing event at ibinahagi na isang “winning journey” niya umano ang kanyang buong karera sa industriya sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa buhay niya sa harap o likod man ng camera.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"Ang daming mabibigat. Ang daming chaka. Ang daming madilim, pero mas madami 'yung winnings," diin ni Vice.

Bago naman magtapos ang pirmahan ay sorpresabg dumating ang partner ni Vice Ganda si Ion Perez para

para magbigay ng mensahe para sa kanya. Siniguro ni Ion na kasama siya sa lahat ng pagsubok na haharapin ni Vice sa buhay niya.

“Congratulations sa'yo, Tuy. Kasama mo ko sa lahat ng pagsubok sa buhay, sa tawa, sa lungkot, alam mo na yun babe,” lahad ni Ion.

Matapos ang contract signing, ay deretso naman ang lahat sa thanksgiving party ni Vice para naman sa tagumpay ng kaniyang Metro Manila Film Festival entry noong nakaraang taon na “Partners In Crime” kung saan bumida sila ng aktres na si Ivana Alawi.

Kaniya-kaniyang mensahe ang mga kaibigan at kasamahan ni Vice sa trabaho, kabilang na ang direktor na si Cathy Garcia-Molina kung saan sinabi nitong nabago ang pagtingin niya kay Vice nang maka-trabaho niya ito.

Kasalukuyang trending si Vice Ganda sa Twitter at mapapanood ang “The Unkabogable Day” sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.