Excited na ang fans at followers ni Nadine Lustre ngayon pa lang kasunod ng anunsyo ng aktres sa kaniya na ring pagbubukas ng YouTube channel.

Kagaya ng ilang celebrities sa bansa, si Nadine ang bagong dagdag sa mahabang listahan ng showbiz personalities na nagpapatakbo ng channel sa nasabing video streaming website.

View this post on Instagram

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Agad na ikinatuwa ng fans ng aktres ang balita na anila’y paraan para masilayan ang mas personal na bahagi ng buhay ni Nadine.

Maging ang YouTube star na si Mimiyuuuh na siya ring unang naghikayat sa aktres na magbukas ng channel ay thrilled din sa balita.

“Can't wait sa mga aesthetic contents mo. Super excited na me,” komento ng isang fan.

“Kelan ka post ng content? Hehehe excited here!” segunda ng isa pa.

“Congrats, Bebe. Now show them how it is done. All the best!” pagbati naman ng isa pang fan sa bagong venture ng kaniyang idol.

“She’s a seasoned professional!!! 🔥👏🔥”

“Finally for sure we'll get to know you better! ❤️”

Ngayon pa lang kaniya-kaniya nang dagdag sa wishlist ang fans para sa tema ng aktres sa kaniyang contents.

Nariyan na ang nais nilang masilayang pasilip sa buhay ng aktres sa Siargao, kaniyang regular na buhay o mga adbokasiya, bukod sa iba pa.

Wala pang laman ang naturang channel ni Nadine na mayroon nang nasa mahigit 9,300 subscribers sa pag-uulat.