Walang kaabug-abog na nagbahagi ng kaniyang unang hubad na larawan para sa isang underwear endorsement ang aktor na si Joseph Marco nitong Martes, Peb. 14, dahilan para tila hindi na makapaghanda ang kaniyang followers kabilang na ang batikang aktres na si Rosanna Roces.

Ito ang mababasa sa mga reaksyon ng netizens kasunod ng paglabas ng aktor sa kaniyang comfort zone sa unang pagkakataon.

View this post on Instagram

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“I decided this year to get out of my comfort zone, so for the first time I’m sharing with you my very first underwear endorsement! Grateful to be part of this family!” sey ng aktor sa bagong brand na kinakatawan.

Dahil naman sa tila revealing na larawan, kaniya-kaniyang react ang mga netizens kabilang na ang kapwa stars ng aktor.

“Tabi tabi po… Nuno sa Punso! 😂” laugh trip na komento ni Joross Gamboa.

“Entry of the year candidate right here!” saad naman ni Albie Casino.

“Yami hatdog my tomeee!” hirit din ng sikat na content creator na si Christian Antolin.

Hindi rin nakapagpigil at ikinawindang maging ng batikang aktres na si Rosanna ang larawan ni Joseph.

“Dyusko tanghaling tapat may pabakat si mayor! 🙈🙈🙈 nagkakasala ako nito! 😂” pilyang komento ng aktres.

Pagtawa at gatong na lang ang naging tugon ng netizens sa diretsahang komento na ito ni Rosanna.

Sa naging reception ng netizens, tila matagumpay naman agad ang launch ng aktor bilang mukha ng brand dahil sa inani nitong atensyon.

Congrats, Joseph Marco!