May 'love advice' si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga netizen na niloko at iniwan ng jowa. 

Sa isang Facebook post noong Araw ng mga Puso, tila may love advice si Isko para sa mga netizen.

"Kapag niloko o iniwan kayo ng jowa niyo, palitan niyo na lang. Move on na agad," sey niya.

Dagdag pa niya, marami pa naman daw mahahanap na iba na tunay na magmamahal at magpapahalaga.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"There's so many fish in the ocean kaya mamingwit ka na lang ng iba --- 'yung tunay na mamahalin at papahalagahan ka. Don't waste your time with those kind of people. It's not worth it."

Naka-relate naman ang mga netizen sa post ng dating alkalde ng Maynila.

"Noted yorme. Kailangan ko na talagang mamingwit😂"

"masakit pero need moveon agad kesa masayang ang panahon at mapaglaruan k lng"

"hindi lang bingwit gagamitin ko yorme lambat para mas marami mas madaling makapag move on😅 Happy Valentine's night po pala😁"

"Danas mo ba 'yan, Yorme?"

"Tama block agad kalimutan nakaraan ..move on"

"Ayokong ipalit ng isda at susunod kong jojowain"

"Yes So true ka jan Yorme Isko Moreno Domagoso Happy Valentine's day, I love you🥰❤️San ba magandang mamingwit Yorme🤣"

"Hindi na po ako namingwit after a failed marriage. Natuto akong mahalin ang sarili ko. Pahingi na lang po ng isda, mai ulam."

"Agree Yorme! Dahil Prinsesa kami, Hindi Sundalo para makipaglaban. 😅"