Abot-tenga ang ngiti ng “Dream Maker” finalist na si Prince Encelan nang sorpresahin siya ni DJ Jhaiho ng isang pares ng sapatos sa kanyang programang “Dream Maker Pause & Play” ng Pie Channel.

Sa Valentine’s Day episode ng nasabing programa, guest ni DJ Jhaiho si Prince kasama ang iba pang finalists ng “Dream Maker” na sina Drei Amahan, Jay-R Albino, Thad Sune at Wilson Budoy. Sa kalagitnaan ng interview, iniabot ni DJ Jhaiho ang isang paper bag na naglalaman ng bagong pares ng sapatos.

Hindi na lihim na isa sa mga bet ni DJ Jhaiho na makapasok sa Top 7 ng kompetisyon si Prince, at nang nalaman nito na isang pares lamang ng sapatos ang mayroon ito sa buong journey niya sa “Dream Maker” ay hindi nagdalawang-isip ang host na bigyan ang isa kanyang mga bias.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1625507890189697024?s=46&t=1PhtKrvE71zoOKCSNoYsXg

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay DJ Jhaiho, inilahad nito kung bakit niya naisipang bigyan ng sapatos si Prince.

“‘Di ba may pulso ng damdamin, so nung may nag-message sa’kin na about sa isa lang dala niya, nahabag ako. Naniniwala ako sa talent nung bata lalo na napanood ko yung audition VTR niya sa ‘The Voice,’ naka-relate ako. Nangarap din ako kasi so alam ko yung feeling na wala kang resources,” aniya.

“Madami din ang tumulong sa akin nung nagsisimula ako sa industriya so kaunting help is way of giving back din kahit papano. Masaya sa pakiramdam makita nakapagpa-happy ng kapwa kaysa sa hate,” dagdag pa ni DJ Jhaiho.

Sa magkasunod na tweet naman ni DJ Jhaiho, makikita na tila sinuklian ni Prince ang regalo ng kanyang “Mama Jhaiho” nang bigyan niya ng tsokolate ito, makikita rin na suot na ni Prince ang sapatos kasabay ng personal na pagpapasalamat nito, na siya ring naka-post sa Instagram story ni Prince.

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1625499912157929480?s=46&t=PZVJQ_FZRYRBfsYECc2NiQ

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1625499815525363713?s=46&t=za7V2abwZMeGSgya7sL8Jw

Prince Encelan (Screengrab mula sa IG)

Tuwang-tuwa naman ang fans ng batang rapper sa kabutihang ipinamalas ni DJ Jhaiho.

Una nang nakilala si Prince sa season 4 ng “The Voice Kids,” at bagama’t hindi pa rin pinalad sa “Dream Maker” matapos mag-rank 9 at makalikom ng 1,268,293 public votes sa finale ng programa, marami ang naniniwala sa husay at talento ni Prince, at umaasa ang fans na mabigyan ito ng oportunidad sa industriya.

Screengrab mula sa Kapamilya Online Live