Tila puwede nang bumuo ng isang basketball team ang mag-asawa mula sa Poland dahil bukod sa kanilang pitong anak ay nagsilang pa ng karagdagang limang sanggol ang ina.

Sa ulat ng Agence-France-Presse nitong Martes, Pebrero 14, matagumpay na nagsilang ng limang sanggol si Dominika Clarke sa isang ospital sa Krakow, Poland noong Linggo, Pebrero 12.

Ayon kay Clarke, plano talaga nilang magkaroon ng pangwalonganak.

"We were planning to have an eighth child but there turned out to be more," aniya sa kaniyang panayam.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Isinilang ang dalawang lalaki at tatlong babaeng sanggol sa pamamagitan ng caesarian section sa ika-29 linggo ng pagbubuntis. Kaya naman kailangan pa ng respiratory support ng mga ito.

Isang "himala" para sa 37-anyos na ina ang kaniyang pagbubuntis dahil ayon umano sa ospital bihira lamang ang nagbubuntis ng quintuplets o limang sanggol.

Si Clarke at ang kaniyang asawang British ay may pito nang anak na ang edad ay nasa pagitan ng 10 buwan hanggang 12 taong gulang, kabilang dalawang pares ng kambal.