Dalawa pang bangkay ang narekober ng Philippine contingent sa patuloy na search and rescue operation sa Turkey, ayon sa pahayag ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Miyerkules.

Sinabi ng OCD, ang dalawang bangkay ay natagpuan ngurban search and rescue (USAR) team ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) sa isang apartment complex na sakop ng "SectorN" ng southeastern city ng Adiyaman.

"Team resumed operations on one apartment complex within 'Sector N'. Able to retrieve two additional dead victims," banggit ng OCD.

Apat na bangkay na ang narekober ngPIAHC USAR. Dalawa ang unang natagpuan nitong Lunes, ayon sa OCD.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Binanggit naman ngPhilippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT), umabot na sa 168 Turkish ang kanilang nagamot simula Pebrero 11-14.

"The patients catered by the PEMAT are as follows: 11 February 2023: 14 patients served;12 February 2023: 41 patients served; 13 February 2023: 60 patients served; 14 February 2023: 53 patients served. Total: 168 patients," paliwanag ng OCD.

Kinumpirma naman ni OCD spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, hindi na tatanggap ng ikalawang contingent ng Pilipinas ang Ankara, ang kabisera ng Turkey.

Gayunman, nilinaw ng Turkish government na maaari pa ring mag-donate ng non-food items ang Pilipinas.

Matatandaangniyanig ng7.8-magnitude na lindol ang Turkey na ikinawasak ng halos lahat ng gusali at bahay nitong Pebrero 6.

Philippine News Agency