“Feeling fresh” ang transwoman host, at online personality na si KaladKaren nang makapiling muli ang soon-to-be-mister na si Luke Wrightson ngayong Araw ng mga Puso.

Larawang kasama ang mister sa kama, isang good vibes at kuwelang pagbabahagi na naman ng kilalang trans personality ang ikinaaliw ng kaniyang followers.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Hay, ang sarap ng gising ko!!! Sana kayo rin…😂😂😂Happy Valentine’s Day everyone!❤️❤️❤️” pagbati muna ni KaladKaren sa kaniyang followers.

Basahin: Haba ng hair! KaladKaren, nakakasampung Pasko na kasama si Luke Wrightson – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“So happy jowa is back in Manila!!! Yehey!!! Hindi na ako mag-isa sa hardin. Charot!!!” pilyang hirit na niya.

Basahin: ‘Walang putukan pero may kabayo-han’: KaladKaren, nakisaya sa isang ‘cowboy’ new year party sa UK – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Winner ka diyan mie,” sey ng isang netizen.

“Ang fresh nmn ni mommy Karen iba talaga pa may minamahal nkaka fresh😁😁happy Valentine's po! 😚😚😚🌹🌹🌹🌹

“Ang aga aga talaga mang asar!! nakakainis. Charot!!”

“Prayer reveal naman dyan mi!”

As usual, marami na namang napa-sanaol sa pakulo ng host.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 11,000 reactions na ang kuwelang post ni Kaladkaren.

Noong 2020 nang matanggap ni Luke ang kamay ni KaladKaren o Jervi Li sa totoong buhay para sa isang alok na kasal.

Taong 2012 nang magkakilala ang dalawa sa Hong Kong.

Let or response be: Sanaol!