Umabot sa P1,300,000 ang pinakamataas na bid para sa D&D custom guitars na isinubasta ng Parokya ni Edgar nitong Martes, Peb. 14, para sa patuloy pa ring gamutan ng gitarista ng bandang si Gab Chee Kee.

Ito ang mababasa sa update ng banda matapos makumpirma ang highest bidder.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Abot-abot naman ang pasasalamat ng grupo sa mga iniidolong miyembro ng Eraserheads na sina Buddy Zabala, Marcus Adoro, Raimund Marasigan at ang bokalista ng grupong si Ely Buendia para sa kanilang pakikiisa sa proyekto.

Matatandaang pirmado ng apat na miyembro ng E-Heads ang isinubastang gitara na tumakbo sa loob ng isang linggo.

Basahin: ‘Bid para kay Gab’: Gitarang pirmado ng Eraserheads, nasa higit P730k na ang highest bid – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, sa hiwalay ding update ng Parokya ni Egdar, ipinaabot nila sa fans ang patuloy na paggaling ni Gab laban sa sakit na lymphoma.

Gayunpaman, nananatili pa rin ito sa ICU, dagdag nito.

“Please keep sending positive vibes to him and praying for his full recovery. He says THANK YOU to all of you—friends, family, fans and even strangers who’ve extended help in whatever way or form,” anila.

Samantala, igagalang naman ng banda ang pasya ng nanalo sa bidding kaugnay ng pagsasapubliko o hindi sa kaniyang pagkakakilanlan.