Landing sa isang Korean news page si Kapamilya star Kim Chiu matapos ang matagumpay na pangunguna bilang main host sa nagtapos na Dream Maker, isang talent search competition ng ABS-CBN at Korean creatives.

Abot-abot ang pasasalamat ng host nitong Martes, Pebrero 14, nang maitampok sa sikat na Dispatch ang kaniyang naging stunning looks sa finale ng kompetisyon.

“Kim Chiu attracted the attention of the audience with her colorful costumes and doll-like visuals. Wearing a bold red suit, he took the stage and gave a perfect performance,” paglalarawan ng naturang news page.

Magkahalong saya, kilig at thrill ang sabay-sabay na naramdaman ng actress-host kasunod ng feature.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Doble kara sa kaniyang hosting at performing skills si Kim na hinangaan pa ng ilang fans at netizens.

“I’m still on my#DreamMakerTheDreamFinalehigh I haven’t posted anything yet coz di pa ako maka move on sa lahat ng nangyari, sa isip ko paano nangyari yun? 3hours show? It went by so fast. My heart is bursting with gratitude and overflowing joy and truly grateful sa lahat ng bumubuo ng@dreammakerofc!” ani Kim.

“Salamat sa tiwala na binigay nyo sa akin. Nung una di rin ako makapaniwala na paano ko magagawa to? Ang unang sinabi ko pa, paano to?… bakit ako? its like a kid that doesn’t know how to swim but found her way kung paano gawin through time and of-course the people behind me. NEVER ENDING THANK YOU. 😭🙏🏻🥹 para na din akong nanalo.🥹marami pa akong gustong sabihin, but for now savor ko muna tong#DispatchKRnews😁 hay!!!!” dagdag niya.

Sa hiwalay na Instagram post, ibinahagi rin ni Kim ang kaniyang naging trending performance kung saan pawang positibong reaksyon lang ang natanggap sa fans.

“This is One of your the best performance the improvement Kimmy Love it! 👏🔥” sey ng isang fan.

“You look like goddess..!👸”

“Kim you are so good, the Koreans mentors and producers might take you to SKorea.

Grabe Galing mo last night. Mabuhay ka!” hirit na posibilidad ng isa pang fan.

“Galing galing kimmy👏👏👏kpop na Kpop❤️❤️❤️ At Congrats sa very successful finale ng Dreammaker kkproud ka talaga...😍😍😍😍”

“Totally unexpected! You did justice to the choreo and the song. What a revelation! Your hosting and this performance put you on a whole different level. 👏🎉👏😍🤩😍”

“Super nice po Lodi Kimmy AMAZING.Tunay na Queen of the dance floor.”

Basahin: ANNYEONG HASEYO! Mga nagwagi sa ‘Dream Maker,’ kinilala na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, una nang nakilala ang pitong bubuo sa “Hori7on” sa pangunguna ni Jeromy kasama sina Marcus, Kyler, Vinci, Reyster, Kim at Winston.

Lilipat sa South Korea ang grupo para sa kanilang intensive training at napipintong debut.