Umasa ang ilang fans ng showbiz couple na sina Enrique Gil at Liza Soberano o ang "LizQuen" matapos machikang engaged na sa wakas. Ang source, aakalain mo talagang legit!

Ito ang mababasa sa tweet ng nagpanggap na ABS-CBN News sa Twitter, Martes, gamit pa ang parehong format at layout ng news organization.

Screengrab mula sa isang tweet na nagpanggap na ABS-CBN News

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“JUST IN: Liza Soberano and Enrique Gil are getting married! Indeed, a Happy Valentines to both of them,” mababasa sa tweet ng pekeng news page ngayong Peb. 14.

Sa pag-uulat, umabot na ito ng nasa 1,069 likes, 257 quote tweets at 90,700 views dahilan para kiligan, at kainisan din ng ilang fans!

Ilang reaksyon pa ang mababasang tila kumbinsido ang marami sa gawa-gawang balita.

“End Game indeed.. I miss then together on screen they're my favorite couple. The last time I saw them together on screen was in 2019. I hope they will got a project again together,” reaksyon ng isang Twitter account.

Gayunpaman, marami rin ang mapagmatyag at agad na nasuri ang pekeng balita.

“You got me there for a second!” sey ng isang netizen.

“Stop this huhu! Mausog pa. No pls!” segunda ng isang LizQuen fan.

“Nagulat ako ng slight susme. clickbait lang 😒on the good side relevant pa rin ang couple, always,” dagdag ng isa pa.

“Putcha nman hahahaha nakowwww ung ❤️ko nabigla hahaha akala ko un naaaa happy lablab day sa lahat 🥰

“Wahhh anu ba yannn akala ko totoo na Ganda pa namn ng ngiti ko kanina tas biglanggg nawalaa 🙄😭😭

“Sarap sumpain gumawa nito sinikmura ako hayp!”

“Muntik na ako mabudol hahaa”

“Shutaaaaacaaaaaaa umasa ako!”

Taong 2018 nang aksidenteng maamin ng noo’y Kapamilya onscreen couple ang tunay na score ng kanilang relasyon.

Nitong Enero, isang espesyal na mensahe naman sa Instagram ang ipinaskil ni Enrique para sa kasintahan.

“We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart. To the most beautiful soul in the world. To my best friend and baby ❤️ i love you so much😘 Happy Birthday!!🎂” anang aktor kalakip ang mga larawan ni Liza na kinakiligan ng fans.

Samantala, para hindi mabiktima ng fake news, ugaliing suriin ang pagkakasulat, nagsulat ng istorya online, kabilang na ang pinagmulan o organisasyon nito.