Kinilig ang mga netizen sa birthday message ng TV personality na si Raymond Gutierrez matapos niyang magbigay ng sweet birthday message para sa kaniyang foreigner boyfriend na si Robert William.

"Happy birthday @rob.williamm! Such an incredible year with you and can’t wait to create more memories together," aniya sa caption.

View this post on Instagram

A post shared by Mond Gutierrez (@mond)

'Truly special!' Raymond Gutierrez, nagdiwang ng kaarawan kasama ang afam na jowa

Kalakip naman ng IG post ang ilang mga patikim na clips nila together sa iba't ibang lugar. At siyempre, hindi mawawala ang smack kiss nilang dalawa.

Matatandaang kinakiligan din ng netizens ang birthday message naman ni Raymond para sa kaniyang sarili kasama ang jowang afam.

Noong Hunyo 25, 2022, flinex ni Raymond ang kanilang relasyon ni Robert sa Instagram.