Nagbitiw na sa pwesto si Mayor John Tory ng Toronto, Canada matapos niyang amining nagkasala siya sa kaniyang pamilya at nagkaroon ng secret love affair sa kaniyang office staff.

Sa kaniyang city hall press conference nitong Biyernes, Pebrero 10, na inulat ng Agence France Presse, umamin at humingi ng tawad ang 68-anyos na alkalde sa kaniyang asawa, pamilya, mga kasamahan at sa publiko dahil umano sa nagawa niyang pagkakamali.

“During the pandemic, I developed a relationship with an employee in my office in a way that did not meet the standards to which I hold myself as mayor and as a family man,” ani Tory.

“As a result, I have decided that I will step down as mayor so that I can take the time to reflect on my mistakes and to do the work of rebuilding the trust of my family,” dagdag niya.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Inanunsyo ni Tory ang kaniyang pagbibitiw isang oras matapos isiwalat ng pahayagang Toronto Star ang balitang nagkaroon siya ng months-long relationship sa kaniyang office staff.

Ayon kay Tory, pareho sila ng babae na nagdesisyong tapusin na ang kanilang pinagbabawal na relasyon noong mga unang araw ng taon ito at ipinaalam daw niya ito sa isang city ethics official.

Nangyari ang nasabing pagbibitiw ng alkalde ay mahigit tatlong buwan matapos siyang ma-re-elect sa kaniyang pangatlong termino sa nasabing pwesto.