Halos 26 milyong indibidwal ang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Turkey at Syria noong Pebrero 6, ayon sa World Health Organization (WHO) nitong Sabado, Pebrero 11.

Sa ulat ng Agence France Presse, sinabi ng WHO na 15 milyon sa mga naapektuhan ay mula sa Turkey habang 11 milyon naman sa Syria.

Mahigit 5 milyon umano sa mga nasabing naapektuhan ay nasa hanay ng vulnerability sector, kasama na ang halos 350,000 ay matatanda at mahigit 1.4 milyon ay mga bata.

Ayon din sa WHO, mahigit 4,000 gusali ang nawasak habang 15 ospital ang naapektuhan sa Turkey.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Mahigit 20 health facilities, kasama na ang apat na ospital, ang nasira sa Syria.

Mas magiging mahirap umano sa mga taong nasugatan at nagkaroon ng trauma dahil sa kalamidad ang kawalan ng health facilities.

“WHO’s goal is to save lives in the immediate aftermath of the disaster, to minimise its downstream health consequences, including mental health, and to rapidly restore essential health services across all earthquake-affected populations.” anang WHO.

Bukod sa $16 milyong ipinagkaloob na emergency fund ng WHO, nagbigay rin ang ahensya ng 37 metric tonnes na trauma at emergency supplies sa Turkey nitong Huwebes. Tinatayang 35 metric tonnes naman nito ang pinagkaloob nila sa Syria nitong Biyernes.

“These life-saving supplies will be used to treat and care for 100,000 people as well as for 120,000 urgent surgical interventions in both countries,” saad ng WHO.