Makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Pebrero 12, bunsod ng low pressure area (LPA) at northeast monsoon o amihan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, magkakaroon ng kaulapan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms scattered sa Caraga at Davao Oriental dahil sa LPA. Maaaring makaranas ng pagbaha o kaya naman ay pagguho ng lupa rito dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Magiging medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon bunsod ng amihan. Wala namang inaasahang malaking epekto ang pag-ulan dito.

Samantala, makarararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms sa Palawan, Visayas, at mga natitirang bahagi ng Mindanao dahil sa localized thunderstorms.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Pinag-iingat din ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar dahil sa posibleng pagbaha o kaya naman ay pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malakas na thunderstorms.