Mahigit sa ₱1 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang naharang ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Pier 1, Cebu City kamakailan.

Sa ulat ng PCG, ang kargamentong nasa limang balikbayan box ay nasamsam sa MV Filipinas na nakadaong sa Malacañang sa Sugbo, Pier 1 nitong Pebrero 8.

Nakatakda na sanang ibiyahe patungong Cagayan de Oro ang kargamentong idineklarang naglalaman ng mga talong nang mabisto ng mga tauhan ng PCG.

Nasa 10,280 pakete ng iligal na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱1,028,000 ang nasamsam sa operasyon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nai-turn over na sa Bureau of Customs ang kargamento habang iniimbestigahan pa ang kaso.