Hanggang ngayon ay wala pa rin daw paramdam ang aktres na si Angel Locsin. Sey naman ni Lolit Solis, baka raw talagang gusto ng aktres na lumayo muna sa publiko.

Kasalukuyan din kasing naka-private ang Instagram account ng aktres at sa Facebook page niya naman ay mga administrator lamang ang nagpopost. Binisita rin ng Balita ang YouTube channel nila ng kaniyang mister na si Neil Arce, nakita na ang huling upload nila ay limang buwan na ang nakalilipas.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Naku Salve lahat naghahanap kay Angel Locsin dahil matagal ng di nakikita. Baka naman talagang gusto nila ni Neil Arce na malayo muna sa public eyes dahil private muna ang gusto nilang buhay. Saka sobra ang pressure na sana magka baby na ang mag asawa," saad ni Lolit sa kaniyang IG post nitong Sabado, Pebrero 11.

"Siyempre gusto naman ni Angel na tahimik muna ang lahat ngayon dahil ang tagal na niyang nasa limelight ngayon ang panahon na sarili naman niya ang tignan niya. Si Neil Arce naman laging supportive sa gusto ni Angel kaya walang problema basta gusto nito," dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Lolit na dapat daw ay maging supportiverin ang mga fans ng aktres at huwag itong i-pressure na magpakita sa publiko.

Gayunman, may mensahe si Lolit kay Angel, "Take your time Angel Locsin, deserving ka na magpahinga at ang private life mo muna ang harapin. Your married life is your priority now, at hoping it will be a peaceful happy life forever. Bongga."

Matatandaang naging isyu ang pananahimik ni Angel sa social media, kung saan, espekulasyon ng mga netizen ay nagkakalabuan na sila ni Neil.

Nagsalita naman ang matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana at sinabing hindi totoong hiwalay na ang dalawa.